Epekto Aa Espanyol Ng Kalakalang Galyon
Epekto aa espanyol ng kalakalang galyon
Answer:
Masama at mabuting epekto ng kalakalang Galyon Mga Mabuting Epekto
1. Malaki ang halagang kinikita sa kalakalan.
2. Malaking kita ng pamahalaan ay nakadagdag sa pananalapi ng bansa.
3. Nakakatanggap tayo ng mga kalakal galing sa Acapulco Mexico.
4. Nakadiskubre tayo ng mga bagong pagkain.
5. Naging kilala ang ruta ng kalakalan natin.
6. Napaunlad ang pagkalakal ng mga raw materials pati na ang mga sangkap.
7. Napadpad sa Pilipinas ang mga halamang nasa Amerika lamang gaya ng tabako, mais, mani, cacao, kape, casaba, sili, beans at kamatis.
Mga Masamang Epekto.
1. Hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon para lumahok.
2. Napabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan at pagpapaunlad ng pagsasaka at ang iba pang industriya.
3. Nakaranas ang mga tao ng kakulangan sa pagkain.
4. Dahil sa pagkalakal ng produkto ay kinakailngang magbayad ng buwis ukol dito.
5. Ang tanging nakinabang ay ang mga Espanyol at ibang dayuhan.
Ano ang kalakalang Galyon?
Ang kalakalang galyon ay isang kalakalan na nanggaling sa Mexico papunta at pabalik ng Pilipinas. Nakilala ito sa tawag na Manila-Acapulco Galleon Trade.
- Noong 1565 sinasabing nagsimula ang kalakalang galyon sa Maynila. Ito ay ng matuklasan ni Andres de Urdaneta na isang fraileng Agustino ang daanang pabalik mula sa Pilipinas papuntang Mexico. Sinundan nya ang direksyon ng hangin ng mga bagyo sa dagat Pasipiko.
- Isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng Acapulco ang mga produkto. Ang mga nakalakal na mula sa Mexico ay ipinagpapalit sa mga nakalakal sa Pilipinas at ang mga nakalakal sa Pilipinas naman ay ipinagpapalit din sa Mexico.
- Tinatawag na "La Nao de la China”(Ang barkong Tsino) ang mga galyon ng Maynila sa Bagong Espanya (Mexico) . Dahil ito sa mga maraming kagamitan at produktong Tsino na galing sa Maynila.
- Sa loob ng 250 taon ay nakapagdala ang mga galyong Maynila ng mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapang at porselana para sa pilak.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kalakalang galyon, maaaring magpunta sa link na ito: PAANO AT KAILAN NAGSIMULA ANG KALAKALANG GALYON SA PILIPINAS: brainly.ph/question/537323
Mga kasali sa kalakalang Galyon
1. gobernador-heneral
2. mga prayle
3. miyembro ng Royal Audencia
4. mga inulila ng mga Kastila
5. mga kaibigan ng mga opisyal
Upang sila ay makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal kailangan nila ng ticket na tinatawag na boleta.
Noong 1815 dahil na rin sa pakikipaglaban sa kalayahan ng mga Mexicano sa mga Espanyol natigil ang kalakalang galyon. Sa pagtatapos nito mas naging malaya nng makipagkalakalan ang Pilipinas sa daigdig. Ayon sa mga eksperto ang kalakalang galyon ay maagang manipestasyon ng globalisasyon na kontrolado lamang ng malalakas na bansa.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang Kalakalang GALYON? brainly.ph/question/548409
Comments
Post a Comment