What Does This Mean To You: "Hindi Kailangan Ng Kalikasan Ang Tao, Kailangan Ng Tao Ang Kalikasan" E
What does this mean to you: "Hindi Kailangan ng Kalikasan ang Tao, Kailangan ng Tao ang Kalikasan" Explain in 3-5 sentences.
help me po please need ko po asap
Sa buhay ng tao, maraming kailangan para mabuhay. Ang pagkaing madalas na ating kinakain sa pang-araw-araw ay sa kapaligiran mismo nanggagaling. Bagaman, marami sa atin ang hindi marunong mag-alaga ng kalikasan, pero likas pa rin sa ating isipan na dapat natin itong pangalagaan.
Ang kalikasan ay iba ang epekto pagdating sa tao. Tao mismo ang sumisira ng ibang kalikasan at ang kalikasan ay gumaganti lamang sa masasama nitong gawi. Maraming naibubunga ang kalikasan sa atin, sa papel? San ito galing? sa kalikasan. Kung walang kalikasan, paano magiging maganda ang kapaligiran? Paano tayo mabubuhay dahil sa pagkaing dala nito? Kailangan ng tao ang kalikasan, dahil ang tao nakikinabang at ang kalikasan ang nagbibigay pakinabang.
Bilang kabataan, dapat nating itatak sa ating isipan na ang kalikasan ay ginawa para protektahan at hindi pabayaan. Marahil, marami itong pakinabang pero hindi sapat para itoy hindi pangalagaan. Hindi kailangan ng kalikasan ang tao, kasi tao mismo ang may kailangan sa kalikasan. Malinaw na malinaw, na marami itong magagandang dulot sa bawat tao sa mundo.
- welcome <3
Comments
Post a Comment